Photobucket



Photobucket



Photobucket
Photobucket
ISANG TAON MONG NALASAP ANG KALIGAYAHAN
PALIGAYAHIN MO RIN ANG IYONG AMA'T INA, AT MGA KAPATID
KAHIT NGAYONG PASKO LANG
ASAHAN MO MAPAPALUHA SILA SA KALIGAYAHAN DULOT NG IYONG PAGMAMAHAL
Pag-ibig koy iyo, kahit na hindi pasko
Go To  Home Page
THIS SITE GOOD FOR FIREFOX
GUMAMIT PO KAYO NG FIREFOX MAS MABILIS MAG OPEN KAYSA INTERNET EXPLO.
DOWNLOAD FIREFOX 3.5
SCROLL DOWN
^_^
WELCOME MISS SHAYANNE MENDOZA
WELCOME MISS RHINE

Monday, 9 November 2009

SULAT NG ISANG INA

SULAT NG ISANG INA SA KANYANG ANAK NA
NASA ABROAD


Munting mensahe ng isang ina,
Punong-puno ng pagmamahal
Punong-puno ng pag-aalala
Punong-puno ng pagmamakaawa.
!
Sulat ng isang ina sa anak na nasisilaw sa kaligayahan
Nasisilaw sa karangyaan
Nakalimot sa pagmamahal
Sa kaligayahang nalalasap mo, nakalimutang mong may isang inang
naghihintay ng iyong kalinga, isang inang naghihintay
ng iyong pagmamahal.
!
Makalipas ang dalawang araw matapos na matangap niya
ang sulat ng kanyang ina.
Pumanaw na ang kanyang ina
nakitang nakahiga sa sahig sa labas ng paaralan
walang sapin sa paa.
Sa kaliwang kamay hawak ang isang bungkos na labahin
at sa kabilang kamay hawak ang isang pirasong tinapay
na pangtawid sa nararamdamang gutom habang ang kanyang
anak nagpapakalunod sa kaligayahan.
Sa gitna ng iyong kaligayahan..
Hindi mo man lang ba inisip ang iyong ina?
Ngayong wala na ang iyong ina, paano mo pa ibibigay ang
kaligayahang hinihintay ng iyong ina.
Paano mo pa ipaparamdam ang iyong pagmamahal sa iyong ina
Nagsasaya ka, habang si inay nag-iisa, umiiyak.
Sa konting tinapay pinilit niyang sagipin ang sarili niyang buhay
kahit alam niyang may anak siyang tatakbuhan.
Sa kabila ng kanyang hirap, pilit niyang iparating sa iyo ang
kanyang pag-aalala, ang kanyang pagmamahal.
Sa konting halagang hawak niya, pinilit niyang iparating sa iyo
ang kanyang kalagayan, nagugutom ang iyong ina.
Ngayong mahina na ang iyong ina, kangino siya lalapit?
Sino ang inaakala niya tutulong sa kanya?
Ikaw lang na kanyang anak ang tanging makakatulong sa iyong ina.
Ikaw lang ang tanging makakaintindi sa kanyang kalagayan.
Ikaw lang ang tanging alam niya na mag-aaruga sa kanya
tulad ng pag-aaruga niya sa atin nuong tayoy musmus pa lamang.
Buong buhay niya inilaan sa pag aaruga sa iyo
Ngayon.. Pababayaan mo na lang mag-isa.
Pababayaan mo na lang na umiiyak.
Pababayaan mo na lang magutom.
!
Si inay.. Hindi na niya hinahangad ang anumang bagay na nasa iyo.
Ang tanging hangad ni niya.. maalala mo siya.
Makumusta at mabati mo ng
MALIGAYANG PASKO INAY
Ngayong malaki ka na.. Huwag naman sana nating pabayaan si inay.
!
Sana.. Mamulat tayo na meron pa tayong ina na naghihintay
ng ating kalinga.
!
ANG KALIGAYAHANG TINATAMASA NATIN NGAYON
BUHAT SA PAGMAMAHAL NA DULOT SA ATIN
NG AMANG MAY LIKHA
!
IBAHAGI MO RIN ITO
SA MGA TAONG NAG HIHINTAY NG IYONG
PAGMAMAHAL
!
!
''Repost ko lang po ito para
sa nalalapit na kapaskuhan''



8 comments:

Dhianz said...

yeah.... kaya nga naman habang andyan pa ang mga mahal naten sa buhay.... eh iparamdam naten gano naten silah kamahal... habang nabubuhay pa silah.... naks... salamat palah sa dalaw moh ha... ingatz... Godbless! -di

Dhianz said...

abah... based akoh!.... hanglufet.. bihira yon sa earth ah... especially d2 sa page moh... wehe.. ingatz! =)

Love said...

hhhmmm... (T.T)

kakaiyak nmn..
dapat tlga mahalin ang magulang..

SCOFIELD JR. said...

kakaiyak nga naman tong post mo tapos samahan pa ng 'o holy night' song...

dapat talagang mahalin natin ang ating ama't ina...

and para dun sa mga wala nang nanay, be thankful pa din kase di nila kayo inabort...

JETTRO said...

salamat dhianz sa pagbisita

miss love salamat din ha sa pagbisita

@scofield jr pre salamat ha sa koment
kahit ako lumuluha habang sinusulat ko ito.

gb sa inyo.

SEAQUEST said...

na-touch naman ako....Just be thankful in everything wag lang natin kakalimtan kung san tayo nagmula siguro thru that way di natin makakalimutan na meron tayong nanay...

Aingel Joy Domingo said...

I like :) Tinamaan ako. :|

gege said...

kakatuwa naman!!!!
haist... tayu'y magmahalan. :P
^-^

merry x-mas!